Army vs NPA: Bata utas

MANILA, Philippines - Napatay ang 9-anyos na totoy habang kritikal naman ang isang binatilyo matapos rumesbak ang mga sundalo laban sa mga rebeldeng New People’s Army na sangkot sa serye ng harassment sa military detachment sa Compostela Valley.

Kinilala ni P/Senior Supt. Pancratius Camilo Cascolan, ang napatay na si Roque Antibo habang ginagamot naman sa Davao Regional Hospital ang sugatang si Jeffrey Hernan, 14.

Lumilitaw na noong Miyerkules ng gabi nang ratratin ng apat na sundalo ng Army’s 71st Infantry Batallion (IB) ang dalawang kubo na pinaghihinalaang pinagtataguan ng mga rebelde sa Barangay Mascareg, bayan ng Mabini.

Gayon pa man, nakatakas na ang mga rebelde matapos mamataan ang presensya ng tropa ng militar.

Dito na rumesbak ang mga rebeldeng NPA matapos ratratin ang isa pang detachment ng 72nd Infantry Battalion sa KM 12, Barangay Casoon, bayan ng Monkayo, Compostela Valley.

Sa nasabing insidente ay napatay si Cafgu Active Auxiliary Romeo Comamao  at nasugatan naman si CAA Resrio Quilario na isinugod naman sa Tagum Doctors Hospital.

Show comments