Misis dedo sa gulpi ni mister

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinatay sa gulpi ang 55-anyos na  misis ng kanyang mister na senglot sa harap ng mga kainuman sa Barangay Laboy, bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Naisugod sa ospital subalit namatay din ang biktimang si Nida Hebraza habang sumuko naman sa ilang opisyal ng barangay ang suspek na si Expidito Hebraza, 56, magsasaka, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na nakikipag-inuman ang suspek sa ilang kapitbahay nang sawayin ng biktima kung saan napahiya ito. Dito na kinompronta ng suspek ang kanyang misis hanggang sa mauwi sa pamamaslang.

Show comments