3 karnaper arestado

BULACAN , Philippines   â€“  Rehas na bakal ang binagsakan ng Tatlo-katao kabilang ang 42-anyos na pulis matapos na masakote ng mga awtoridad sa kasong carnapping kamakalawa ng hapon sa Barangay Kapihan, bayan ng San Rafael, Bulacan. Pormal kinasuhan ang mga suspek na sina PO3 Ronaldo Mangalinao,  Von Brian Bravante, 28; at si Zoralita Pabuaya, pawang nakatira sa Barangay Bagbag, Novalichez, Quezon City. Sa ulat ni P/Insp. Erwin Casil ng PNP Highway Patrol Team-Bulacan, ang mga suspek matapos karnapin ang Toyota Avanza na pag-aari ni Reneleita Escalante ng Sampaloc, Manila. Ayon sa ulat, ang mga suspek ay nasakote sa kanilang pinagkukutaan matapos itinuro ni Catherine Magtalas, ka-live-in ni PO3 Mangalinao na sinasabing AWOL at nakumpiskahan ng baril, mga bala, dalawang cell phone at walong identifcation cards.

Show comments