^

Probinsiya

Prusisyon inatake ng NPA rebs: 2 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng Citizen’s Armed Forces Geo­graphical Unit (CAFGU­) ang kum­­pirmadong nasawi habang nag-panic naman ang mga deboto ma­tapos na paulanan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang Station of the Cross na nabahiran ng trahedyang  paggunita  sa Semana Santa sa Bu­tuan City, Agusan del Norte nitong Biyernes Santo.

Ito’y sa gitna na rin ng pagdaraos ng ika-44 taong anibersaryo ng New People’s Army  kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Eugenio­ Julio Osias IV, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, bandang alas-5 ng umaga habang nagpuprusisyon ang mga debotong Katoliko bilang bahagi ng tradisyunal na Station of the Cross noong Biyernes Santo nang magpaulan ng bala ang mga armadong rebelde sa Sitio Iyaw, Purok IV, Brgy. Anticala ng lungsod.

Sa nasabing insidente, nasawi sina CAFGU’s Ariel Andohuyan at Ernie Parasin na nasa paanan ng idinaraos na Station of the Cross habang nagpa­nik naman ang mga deboto na nasundan ng bak­­bakan sa pagitan ng security forces at mga rebelde.

Agad namang binig­yang proteksyon ng lokal na pulisya, mga sundalo at CAFGU na nagsisilbing security escort sa Station of the Cross ang mga deboto laban sa marahas na pag-atake ng mga rebelde na agad nagsitakas.

Narekober ang mga basyo ng bala ng sari-saring mga armas may 20 metro ng layo mula sa Station 3 ng idinaraos na prusisyon na pinuwestuhan ng mga nanabotaheng mga rebelde.

 

vuukle comment

ARIEL ANDOHUYAN

ARMED FORCES GEO

BIYERNES SANTO

ERNIE PARASIN

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

SHY

STATION OF THE CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with