Bading nilikida sa parlor

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 44-anyos na bading na beautician matapos saksakin ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang parlor sa Barangay Pasong Camachile 1,bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng hapon. Bandang alas-5:30 ng hapon nang matagpuan ang hubu’t hubad na katawan ng biktimang si Lucio Maslog alyas Mama Joy sa loob ng Belle Houae of Beauty Parlor sa Grand Riverside Subd. sa Purok 4 sa nasabing barangay. Narekober din ang patalim na ginamit sa pamamaslang sa biktima sa likurang bahagi ng beauty parlor habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments