Kawatan nilikida ng NPA
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabulagta ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang lalaki na sinasabing kawatan matapos itong dukutin at ratratin sa Barangay Kilantaao, bayan ng Sangay, Camarines Sur kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Dominador Rompe na natagpuan ang bangkay sa liblib na bahagi ng nasabing barangay bandang alas-11 ng umaga. Sa ulat ng pulisya, dinukot muna ang biktima sa kanilang tahanan dahil sa kumakalat na balitang notoryus na magnanakaw ito. Nakuha sa ibabaw ng bangkay ng biktima ang nakatulang responsable sa krimen ay grupo ng Bagong Hukbong Byan/ Edmundo Jacob Command at Rinconada Area.
- Latest