Bike vs SUV: Estudyante dedo

CAVITE, Philippines – Napaaga ang kamatayan  ng 16-anyos na estudyante habang kritikal naman ang kaklase nito makaraang  salpukin ng SUV ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Kawit-Noveleta diversion road sa panulukan ng Barangay Marulas sa bayan ng Kawit, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ang namatay na si Carlo Caisa Agnote ng Barangay Manggahan habang naisugod naman sa ospital ang sugatang si Roldan Magdahong,18, ng  Arigo Subd. sa Barangay Batong Dalig. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver ng Toyota SUV (NOP359) na si Dante Pagador, 24, company driver at  nakatira sa Augustine Street sa Barangay Daang Amaya 2 ,Tanza, Cavite.

Show comments