OFW niratrat ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 40-anyos ng overseas Filipino workers (OFW) matapos ratratin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay San Fermin, Cauayan city, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/ Supt. Vicente Valdez ang biktima na si Allan Soriano ng Barangay San Pablo sa nasabing lungsod. Matinding tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumama sa batok ng biktima kung kaya bumangga pa ang kanyang trike  sa kasalubong na traysikel. Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa pamamaril.

Show comments