Vice Mayor utas sa kanal
MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng 51-anyos na bise alkalde makaraang mahulog ang kanyang sasakyan sa malalim na kanal sa baybay-daan sa national highway ng Barangay IV, bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur kahapon ng madaling-araw. Idineklarang patay sa DO Plaza Memorial Hospital ang biktimang si Vice Mayor Ron Agocpra ng Trento, Agusan del Sur. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bumabagtas sa kahabaan ng highway ang puting Ford Everest (SGF 554) ng bise alkalde nang mahulog sa malaim na kanal pagsapit sa pakurbadang bahagi ng karisada. Sa lakas ng pagkakahulog ay tumilapon sa may 15-metro ang sasakyan kung saan sumalpok pa sa konkretong flower box. Nagawa pang maisugod sa ospital ang bise alkalde pero namatay din.
- Latest