Bunso tinaga dahil sa mana

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nasa bingit ng kamatayan ang  50-anyos na lalaki matapos itong pagtatagain ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki dahil sa minanang lupa sa Barangay Casat, bayan ng Bayombong, Nueva Viscaya kamakalawa. Kinilala ni PO2 Anthony Pagada ang biktima na si Rogelio Gutierrez habang ang naaresto namang suspek na si Rolando, 59, jeepney driver. Lumilitaw na nagkainitan ang magkapatid kaugnay sa hatian nila sa minanang lupain mula sa kanilang mga ninuno. Bunga nito, pinagtataga ng suspek ang kanyang kapatid na naisugod naman sa Veteran’s Regional Hospital.

Show comments