Amok: 1 tumba, 1 grabe

QUEZON, Philippines - Isa ang napatay habang malubha naman ang kasama nito matapos pagtatagain ng magsasakang nag-amok dahil sa pagtangging  makipag-sex kamakalawa ng umaga sa Barangay Rizal Ibaba, bayan ng Calauag, Quezon. Nagtamo ng mga taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang napatay na si Johnson Magdaong, 55, habang patuloy namang ginagamot sa Magsaysay District Hospital ang tumangging makipag-sex na itinago sa pangalang Magdalena. Lumilitaw na magkasamang nangunguha ng  mga tanim sa kagubatan ang suspek na si Ramil Andez at Magdalena nang yayaing makipag-sex. Tumanggi naman si Magdalena sa alok ng suspek kaya nagalit ito at pinagtataga ang babae. Bagamat sugatan ay nagawang makatakbo ni Magdalena at humingi ng tulong sa pinsang si Johnson subalit ito naman ang pinagba­lingang pagtatagain ng suspek.

Show comments