MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang apat na katao makaraang aksidenteng sumalpok sa isang bahay sa tabi ng highway na sa kamalasan ay mahulog pa sa isang malalim na bangin sa Brgy. Poblacion, Alfonso Lista, Ifugao kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Conchita Peralta, may ari ng bahay na aksidenteng inararo ng bus habang nasa paÂgamutan ngayon sina Kenept Ogas,Daniel Dangiulan, Jane Bagtang at Grace Dontogan.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),naganap ang aksidente dakong alas- 5:45 ng umaga kamakalawa kung saan binabagtas ng isang Potia Bus Liner na minamaneho ni Edmund Chummac, 32 anyos, ang kahabaan ng national highway ng Brgy Poblacion, Ifugao .
Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at aksidenteng sumalpok ito sa isang bahay sa tabing kalsada bago tuluyang nahulog sa may 200 metrong lalim na bangin sa tabi ng highway.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito.