2 akyat-bahay arestado

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang arestuhin ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa dalawang bayan sa Bulacan kamakalawa. Si Chito Ibardolaza na nanloob sa bahay ni Emelinda Basco, 73, ng Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan ay naaresto sa Barangay Lolomboy, Bocaue.  Samantala, si Odilon Morales na nanloob naman sa apartment na tinutuyan ni Evelyn Hernandez ng Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan ay naaresto ng pulisya. Ayon kay P/Supt. Leon Victor Rosete, aabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian na nilimas ng mga suspek ang nabawi ng pulisya.

Show comments