Shootout: Lider ng sindikato tumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang notoryus na lider ng drug group habang tatlo namang tauhan nito ang naaresto matapos makipagbarilan sa mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa Barangay Godiness, bayan ng Patikul, Sulu. Kinilala ang nasawing lider ng sindikato ng droga na si Sajari Amirilsa Sulu habang arestado naman ang mga tauhan nito  na sina  Isnira Amiri, Ajan Akdam at si Dadang Sainuddin. Sa ulat ng Sulu PNP na nakarating sa Camp Crame, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang hideout ng grupo kung saan nauwi sa shootout. Nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng baril at bala.

Show comments