CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Nagwakas ang walong taong pagtaÂtago ng isang most wanted na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang brodkaster sa inilatag na operasÂyon ng pulisya at miÂlitar sa Barangay Lanang, bayan ng Aroroy, Masbate kahapon ng umaga.
Ayon kay P/Chief Supt. Clarence V. Guinto, naÂdakma ang suspek na si Ruel Caballero Vargas, alyas Ka Weng sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maximo Ables ng Masbate City Regional Trial Court Branch 47 sa kasong murder.
Si Caballero na may patong sa ulong P150,000 ay nasa talaan ng PNP bilang ikatlong most wanted at kasapi ng rebeldeng New People’s Army kaugnay sa pamamaslang kay Nelson Nadura ng dyME radio sa Masbate City noong Disyembre 4, 2004.
Nabatid na si Nadura ay naging opisyal at nagsilbing spokesman ng Komiteng Pamprobinsya ng CPP-NPA sa Masbate bago maging brodkaster.