Maninilip todas ng mister

CEBU CITY, Philippines – Sinaksak at napatay ang 44-anyos na lalaki  matapos itong maaktuhan naninilip sa naliligong ka-live-in ng kanyang kapitbahay na mister sa Sitio Sambag, Barangay Sangi sa Toledo City, Cebu noong Linggo ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Agustin Cañada kung saan idineklarang patay sa Toledo City District Hospital. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Albert Abarquez Flores, 28. Sa ulat ni SPO2 Larry Pili, ang biktima ay malimit gawin ang paninilip kung saan natiyempuhan namang sinisilipang muli ang live-in partner ng suspek habang naliligo sa palikuran. Dito na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima kung saan nakatakbo pa ito kahit sugatan subalit duguang bumulagta sa harapan ng bahay ng magka-live-in. Freeman News Service

 

Show comments