^

Probinsiya

Holdap sa motel: kahero utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang kahero ng motel matapos na pagsasak­sakin ng  mga di-kilalang kalalakihan habang nasa kritikal naman ang room attendant sa naganap na holdapan sa  1st Street sa Guingona Subd., Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ang napaslang na si Jessie Laugo ng Maxer’s Lodge habang naisugod naman sa ospital ang room attendant na si Kenmark Fernandez, 19.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nagpanggap na mga kustomer ang grupo ng lalaki na armado ng patalim at baril kung saan agad nagdeklara ng holdap sa kahero ritong si Laugo.

Gayon pa man, nanlaban ang biktima kaya pinagsasaksak at nang marinig naman ang komosyon ay sumaklolo ang room attendant na si Fer­nandez pero sinaksak din ito ng isa sa mga holdaper.

Kaagad namang nagsitakas ang grupo ng holdaper patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

AGUSAN

BUTUAN CITY

CAMP CRAME

GAYON

GUINGONA SUBD

JESSIE LAUGO

KAAGAD

KENMARK FERNANDEZ

KINILALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with