Antique niyanig ng lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng intensity 2.9 magnitude ang Culasi sa Antique kahapon ng umaga. Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay naramdaman sa may 11-kilometro ng Culasi sa lalim na 22-kilometro. Kaugnay nito, sinabi pa ni Linda Amin, seismologist ng Phivolcs, bago ang lindol sa Antique ay naitala din ang 3.1 magnitude sa Dinagat kahapon ng madaling-araw. Nakapagtala rin ng 3.6 magnitude na lindol sa Mapanas, Northern Samar kung saan namataan sa layong 99-kilo­metro at may lalim na 35 kilometro. Wala namang naitalang aftershocks at naapektuhang ari-arian.

 

Show comments