MANILA, Philippines - Muli na namang nagpakita ng bangis ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos sunugin ng tatlo nitong armadong miyembro ang bodega ng isang banana plantation sa Brgy. Sta Fe, Tagbina, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas-11:30 ng gabi ng bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga rebelde at sinunog ang bodega ng Sumifru Banana Plantation sa Brgy. Sta Fe ng bayang ito gamit ang isang lampara.
Samantalang hindi naman nagawang pumalag ng dalawang security guard matapos ang mga itong tutukan ng baril ng mga rebelde na naghagis ng lampara sa kinaroroonan ng saku-sako ng mga fertilizers at iba pa na mabilis na nagliyab.
Lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na pangiÂngikil ng revolutionary tax ang motibo ng panununog.