14-anyos stude utas sa hazing

MANILA, Philippines - Dinagit ni kamatayan ang 14-anyos na high school student matapos na sumailalim sa hazing ng fraternity sa bayan ng Janiuy, Iloilo noong nakalipas na linggo, ayon sa ulat kahapon. Sa  naantalang ulat ng pulisya, huling namataang pumasok sa Janiuy Comprehensive High School ang biktimang 2nd year high school na si Ronilo Rafante noong Pebrero 22 kung saan nabigo makauwi matapos na sumama sa initiation rites ng fraternity. Gayon pa man, ilang araw matapos na mawala ang biktima ay nakita itong nanlulupaypay, tadtad ng mga pasa sa katawan at nakalugmok sa harapan ng tindahan malapit sa labas ng paaralan. Sa isinagawang awtopsiya, lumilitaw na may namuong dugo sa utak ng biktima dulot ng paghampas ng matigas na bagay. Patuloy ang imbestigasyon kung saan ilang miyembro ng fraternity ang tugis ng pulisya.

Show comments