Trader itinumba sa palengke

BULACAN, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa 38-anyos na negosyante matapos na pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bisinidad ng palengke sa Barangay Bagong Buhay 1, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Dalawang tama ng bala sa kanang baba ang tumapos sa buhay ni Librado Torres ng Km.38, Barangay Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Base sa ulat ni P02 Alejo Roslin, nakaupo ang biktima sa labas ng kanyang tindahan sa Sampol Market nang lumapit ng di-kilalang lalaki na nagkuwaring bibili ng kalakal na ibinebenta. Dito na pinutukan ng gunman ang biktima kung saan kawal na naglakad palayo sa crime scene.

Show comments