2 todas sa landslide

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos mata­bunan sa landslide sa quarry site sa bayan ng Poro, Camotes Island, Cebu City, Cebu, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga biktima na sina Eliseo Tindog, 59, ng Brgy. Cagcagan at Nandy Estrera, 30,

ng Brgy. San Jose. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame,  lumilitaw na abala ang mga biktima sa quarrying ng mga buhangin at bato para gamitin sa pagtatayo ng bahay ng anak na babae ni Tindog nang gumuho ang bahagi ng quarry site. Nagawa namang makatakbo ng

dalawang kasama nina Tindog at Estrera pero tuluyang natabunan ang mga biktima. Nabatid pa na umuulan sa nasabing lugar na nagpalambot sa quarrying site na humantong sa trahedya.

 

Show comments