Bading kinatay, minartilyo

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 46-anyos na bading na kagawad matapos itong pagsasaksakin at martilyuhin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki sa  Barangay Calajunan sa Mandurriao District, Iloilo City kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating

kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen sa loob ng parlor ng biktimang si Kagawad Ramonil Tongunes sa ikalawang palapag sa palengke ng nabanggit na lugar. Nagtamo ng maraming saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kung saan ay halos nabasag

ang bungo matapos martilyuhin. Sa inisyal na pagsisiyasat, huling nakitang buhay ang biktima na may kasamang dalawang lalaki na pinaniniwalaang gulangan sa bayaran ang motibo ng krimen.

 

Show comments