Tsinoy executive pinabulagta

MANILA, Philippines - Isa na namang Tsinoy executive ng kompanya ang iniulat na napaslang matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Purok 5, Barangay San Ignacio sa bayan ng Trento, Agusan Del Sur noong Sabado ng umaga.

Napuruhan sa ulo ang bikitmang si Roy Sze, 42, wood marketing agent sa Wood Station Corporation sa Trento, at nakatira sa Tagum City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, pasakay na sana sa kanyang sasakyan ang biktima sa harap ng pinapasukang kompanya nang biglang pagbabarilin.

Matapos makasiguro na patay na ang target ay kaagad na tumakas ng gunmen sakay ng Isuzu Trooper na walang plaka.

Bumuo na ng task force ang pulisya sa isasagawang follow-up operation laban sa mga pangunahing suspek sa pamamaslang.

 

Show comments