CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang matinding panibugho ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang mag-ama ng kanilang kapitbahay na lalaki sa Sitio Aporong, Barangay Nabangig sa bayan ng Palanas, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mag-ama na sina Armado Abigan, 47; at Eden Abigan, 12, habang tinutugis naman ang suspek na si Jojo Bucay na tumakas matapos ang pamamaslang. Naganap ang krimen dakong alas-6:30 ng gabi habang pauwi ang mag-ama nang makasalubong ang suspek.