Ex-chairman utas sa tandem

BATANGAS, Philippines - Sa kabila ng pinaiiral na Comelec gun ban, isa na namang da­ting barangay chairman ang pinagbabaril ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Pinagkawitan sa Lipa City, Batangas  kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Christopher Birung, hepe ng Lipa City PNP, nakahandusay pa sa harap ng barber shop ang biktimang si Roger Maldonado matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Magpapagupit sana si Maldonado nang lapitan ito at ratratin ng gunman bandang alas-9:10 ng umaga.

Kamakalawa, isa namang retiradong bumbero ang na­patay matapos pagbabarilin din ng riding-in- tandem sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas sa kabila ng pina-iiral na Comelec gun ban.

Show comments