4 PBA players nadale ng BKG

BULACAN, Philippines – Apat na kalalakihan na sinasabing manlalaro ng PBA ang nadale ng notoryus na Basag-Kotse Gang matapos matangayan ng malaking halaga ng aria-arian habang naglalaro ng basketball sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga manlalaro na natangayan ng iba’t ibang gamit mula sa kanilang sasakyan ay sina Gerald Bautista ng Brgy. Hulo, Mandaluyong City; Allen Edward Mangahas ng Brgy. Cuyab, San Pedro; Michael Gerald Parala ng Brgy. Banay-Banay, Laguna; at si Kenneth Ighalo ng Brgy. Padre Burgos, Baguio City. Ayon kina P02 Carlo Romulo Palma at P01 Jean Jacques Roque, binasag ng mga kawatan ang kanang bahagi ng salamin ng Toyota Corolla (WEZ 113) habang nakaparada sa labas ng Malolos City Convention Center.

Show comments