Ama kinatay ng barumbadong anak
MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na kaÂmatayan ng isang ama matapos itong pagsasaksakin ng barumbado nitong anak nang sitahin sa pakikipagbasag-ulo sa Brgy. Looc, DumaÂguete City, Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang biktima na si Rudolfo Catadman, nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinamatay.
Arestado naman ang suspek na si Boy Catadman na inatake rin ang mga pinsang sina Diesel at Diosolde Catadman na kapwa bahagyang nasugatan nang tangkaing awatin ang pasaway na kaanak.
Sa ulat ng Negros Oriental Police, bandang alas-7 ng gabi noong Huwebes ng magÂkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ama ng sitahin ng matandang Catadman ang barumbadong anak na nakipagsuntukan na naman sa kanilang lugar.
Nairita umano ang suspek na agad isinalya saka inundayan ng saksak ang sariling ama na bagaman nakatakbo ay hinabol at tuluyang tinapos ang buhay.
- Latest