^

Probinsiya

Biyudang misis nag-bf, tinodas ni bayaw

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Dahilan umano sa pagbubukas muli ng kanyang puso kahit hindi pa nag­ba­babang-luksa nang umibig at makipag-relasyon sa ibang lalaki, binaril at na­patay ng isang 42-anyos na mister ang biyuda nitong hipag  sa Brgy. Tisa, Cebu City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing ginang na si Vivian Moran Loreto, 33-anyos, dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Arestado naman ng mga nagrespondeng operatiba­ ng pulisya ang suspek na si Benito Loreto alyas Tatay Boyi.

Si Vivian ay biyuda ng namayapang kapatid ni Benito na namatay sa sakit sa baga noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Sa ulat ng tanggapan ni Cebu City Police Di­rector  P/Sr. Supt. Mariano Natuel, bandang alas-6 ng gabi kasalukuyang naki­kipag-inuman ang suspek kina Celirena Palagdag at Jay Culiamat nang duma­ting ang biktima galing sa maghap­ong paglalako ng mga halamang gamot na siya nitong pinagkaka­kitaan para buhayin ang kanyang mga anak.

Agad umanong sinita ng suspek ang biyudang hipag na pinagmumura ito dahilan ginagabi umano sa pakikipag-date sa kanyang bagong boyfriend gayong ilang buwan pa lamang namamatay ang kanyang kapatid at hindi pa nagbababang luksa.

Sinabi ng suspek na napapabayaan na umano ng ginang ang mga anak nito dahil sa panlalalaki.

Nagkaroon ng ma­initang pagtatalo sa pa­gitan ng dalawa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pagbabarilin ang ginang. Nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek.

 

vuukle comment

BENITO LORETO

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE DI

CELIRENA PALAGDAG

JAY CULIAMAT

MARIANO NATUEL

SHY

SI VIVIAN

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with