Holdaper ng Bumbay, arestado

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 32-anyos na lalaki na sinasabing holdaper matapos na maaresto ng pulisya sa kasong robbery/holdup laban sa magkapatid na Bumbay sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Rex Calinawan, tubong Davao City at nakatira  Brgy. Punturin sa Valenzuela City. Bago masakote ang suspek ay hinoldap nito ang mag-utol na sina Ben Singh at Tony Singh na naniningil ng pautang sa ilang residente sa Barangay Patubig sa nabanggit na bayan. Namataan naman ng ilang residente ang modus operandi ng suspek kaya nasakote ng pulisya. Narekober sa suspek ang P1 ,290, cal.38 revolver, mobile phone, improvised tooter na ginagamit sa pagsinghot ng shabu at motorsiklo.

 

Show comments