3 NPA tumba sa encounter

MANILA, Philippines - Tatlong rebeldeng New People’s Army  ang iniulat na napaslang habang tatlo namang sundalo ang nasugatan sa naganap na bakbakan sa bahagi ng Barangay Mati sa bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Army’s 1st Infantry Division Spokesman Major Edgardo Amores, naganap ang sagupaan bandang alas-2:45 ng hapon  sa liblib na bahagi ng Sitio Maimbong matapos makasagupa ng Scout Ranger Company sa ilalim ng  Army’s 102nd Infantry Brigade ang grupo ng Committee Kara sa ilalim ng Western Mindanao Regional Party Committee.

Tumagal ng 20-minuto ang bakbakan hanggang sa mapatay ang tatlong rebelde na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Samantala, sugatan naman ang tatlong sundalo at narekober naman ang isang AK47, M-14 Armalite rifle at  M1 Garand rifles na naiwan ng mga rebelde.

 

Show comments