Pulis sinapak ng senglot

CAMARINES NORTE, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng senglot na mister matapos nitong sapakin ang isang pulis na nagmamando sa Comelec checkpoint sa Barangay Pantao sa bayan ng Libon, Albay kamakalawa ng hapon. Pormal na kakasuhan ng biktimang si PO3 Larry Ayenda ang suspek na si Salvador Salgado Peralta. Nabatid na tinangkang parahin ng biktima ang senglot na nagmomotorsiklo sa inilatag na checkpoint subalit sa hindi nabatid na dahilan ay nanapak ito.

 

Show comments