QUEZON, Philippines – Napaslang ang 50-anyos na mangingisda makaraang gilitan at pagsasakÂsakin ng kanyang kainuman sa Brgy. Manggagawa ng bayan sa bayan ng Guinyangan, Quezon kamakalawa ng gabi. Halos maputol ang leeg at nagtamo ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Santiago Sacopo ng Barangay Himbubulo West habang naaresto naman ang suspek na si Felix Cadarit, 43, ng Brgy. Manggagawa. Sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman ang suspek at biktima sa kubo ng mag-amang Miguel FerÂnandez Sr. at Miguel Jr. nang aksidente natumba ang biktima sa kanyang kinauupuang silya at bumagsak sa suspek. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla umanong ginilitan at pinagsasaksak ng suspek ang biktima.