Pipi’t bingi nag-amok: 2 grabe

QUEZON, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamata­yan ang hepe ng barangay tanod at isang magsasaka matapos na pagsasaksakin ng pipi’t bingi na nag-amok kamakalawa ng hapon sa Barangay Huyon-uyon sa bayan ng San Francisco, Quezon kamakalawa. Unang dinala sa San Francisco Municipal Hospital subalit dahil sa maselang kondisyon ay inilipat sa Quezon Medical Center ang mga biktimang sina Joel Maravilla, 32, hepe ng barangay police at Leonard Aballe, 30. Samantala, tugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Melanio Bulawan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4-30 ng hapon habang idinaraos ang barangay fiesta ay bigla na lamang nag-amok ang suspek kung saan pinagsasaksak ang mga biktima saka tumakas dala ang patalim na ginamit sa krimen.

Show comments