Tulak arestado sa mga baril

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang mister matapos makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng baril at bala sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Barangay San Jose sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa. Sa ulat ni P/Supt. Romano Cardino, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Mark Aura matapos makatanggap ng impormasyon na ginagawang imbakan ng mga baril ang nasabing lugar. Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang 14 cal. 38 revolver, apat na shotgun, cal. 45 pistol, tatlong airsoft rifles, at mga iba’t ibang bala. Wala namang narekober na anumang uri ng bawal na droga sa suspek na kasalukuyang isinasailalim sa tactical interrogation.

 

Show comments