Killer ng SK chairman, dakma

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang isa sa pangunahing suspek sa pagpatay sa SK chairman matapos na madakma ng mga operatiba ng  pulisya sa bahagi ng Barangay Caingin sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Guillermo Agloro ng Malolos City Regional Trial Court Branch 83, arestado ang suspek na si Ricardo “Nognog” Morante, 34.

May nakabimbin ding warrant of arrest sa kasong bawal na droga si Morante na inisyu nina Judge Oscar Herrera ng RTC Branch 20 at Judge Albert Fonacier ng RTC Br. 76 kapwa sa Malolos City.

Ayon kay P/Senior Supt. Joel Orduña, si Morante ay isa  sa tatlong suspek na itinuturong nakapatay sa biktimang si SK Chairman Marion Louis Buxani, 19, ng Brgy. Pandayan, Meycauayan City noong Hunyo 20, 2012.

Ang dalawa pang suspek na sina Arwin Leonardo at Joseph Paul Jimena ay kasalukuyang nakapiit kung sa naging state witness si Jimena.

Show comments