22-anyos ginilitan ng holdaper

MANILA, Philippines -  Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 22-anyos na lalaki matapos itong gilitan ng riding-in-tandem na holdaper sa bahagi ng Barangay San Vicente sa Butuan City, Agusan de Norte kamakalawa ng umaga. Base sa police report, naglalakad patungong simbahan ang biktimang si Nixon Rufano nang harangin at holdapin ng tandem. Gayon pa man, pumalag ang biktima kaya napilitang saksakin at gilitan ng holdaper bago tinangay ang kanyang laptop at iba pang personal na gamit. Sinaklolohan naman ng ilang concerned citizen ang biktima at naisugod sa ospital.

 

Show comments