Extortionist utas sa pulis

MANILA, Philippines -  Napaslang ang isa sa grupo ng notoryus extortion gang habang isa naman ang nasakote sa inilatag na entrapment operation sa bisinidad ng restaurant sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Saddam Sulaiman habang nasakote naman ang kasamahan nitong si Yasser Subho ng Moro Islamic Liberation Front Task Force Ittihad.

Samantala, si PO2 Adrian Ong ay nasugatan sa shootout.

Inilatag ang entrapment operation sa bandang alas- 11 ng tanghali sa Mang Gorio Restaurant kung saan nakipag-deal ang ilang kinatawan ng Husky Bus Line upang makipagkita  sa extortion gang  na nagde-demand ng P1 milyon. Nabatid na nagbanta  ang extortion gang na bobombahin ang yunit ng kanilang bus kapag hindi naibigay ang nasabing halaga.

Dito na nakipag-ugnayan sa pulisya ang pangasiwaan ng bus company para ilatag ang entrapment operation kung saan nakatunog naman ang grupo kaya sumiklab ang shootout.

 

Show comments