Inakalang mangkukulam kinatay

BULACAN, Philippines – Napatay ang 56-anyos na misis na sinasa­bing mangkukulam matapos tadtarin ng saksak ng kanyang kapitbahay na lalaki sa Brgy. Lawa, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Melba Manlapaz habang naaresto naman ang suspek na si Pablo Prima, 28, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na ang biktima nang harangin at komprontahin ng suspek na may hawak na matalim na itak. Inakusahan ng suspek ang biktima na kinukulam siya kung saan itinanggi naman nito hanggang sa maganap ang krimen. Napag-alamang may sakit sa pag-iisip ang suspek kung saan ginamot sa Jose Reyes Memorial Hospital.

Show comments