Ex-CPDRC warden nasunog nang buhay

CEBU CITY , Philippines – Hindi na nakapagdiwang ng Bagong Taon ang  64-anyos na retiradong warden ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Cen­ter (CPDRC) makaraang  makulong sa nasusunog na multicab sa Sitio Cantipla II, Barangay Tabunan,  Cebu City, Cebu noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si (Retired) Colonel Salvador Sanchez na nasunog nang buhay sa pag-aaring multi-cab van (GPY-184) bandang alas-6 ng gabi.

Nabatid na ginulantang ng malakas na pagsabog ang mga residenteng nag­hahanda ng hapunan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Gayon pa man, mabilis naman naglabasan ang mga residente sa kani-kanilang tahanan kung saan bumulaga sa kanila ang naglalagablab na sasakyan ni Sanchez.

Dito na huminggi ng tulong sa pulisya si Councilor William Radana kung saan base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na ang multi-cab van ay kargado ng thinner.

Base sa salaysay ng kapitbahay ni Sanchez na si Jun Alcover, sinabi ng anak na lalaki ng biktima na ang kanilang van ay depektibo. Freeman News Service

 

Show comments