2 dedo sa road mishap

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa pagpasok ng Bagong Taon laban sa dalawang sibilyan sa naganap na road mishap sa kahabaan ng Rolando Andaya Highway sa Barangay Lower Sta. Cruz sa bayan ng Ragay Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Si Jocelyn Desuyo, 40, ay hindi na umabot ng buhay sa Ragay Hospital habang si Randy Naje, 35, ng Barangay Mangle, Sipocot, Camarines Sur ay dead-on-the spot. Sugatan naman si Chistopher Tan, 17, ng Del Gallego, Camarines Sur. Lumilitaw na tumatawid si Desuyo nang masalpok ng van (RKZ503) ni Naje kung saan nagtuluy-tuloy namang sumalpok sa puno ng akasya at tindahan bago bumaliktad ang sasakyan.

Show comments