2 nagbigti sa disperas ng Pasko

BULACAN, Philippines – Magkasunod na nagpasalubong kay kamatayan ang da­lawang lalaki matapos magbigti sa naganap na magkahiwalay na suicide kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nagpakamatay na sina Marvin Olgina, 20, service crew ng isang fastfood chain sa Malolos City at nakatira sa Barangay Wawa sa bayan ng Balagtas at Manuel Mendoza, hallow block maker, at nakatira sa Ayroso Compound sa Barangay Bunlo, Bocaue.

Sa ulat ni P01 Roman Katipunan, si Olgina ay nagbigti sa Balagtas Public Cemetery sa Barangay Wawa kung saan sinasabing may problema sa pag-ibig habang wala namang narekober na suicide note.

Sa ulat naman ni PO2 Ricky Baluyut si Mendoza ay nagbigti naman sa nasabing compound matapos mangulila sa kanyang pamilya na nasa kanilang probinsiya. Wala ring iniwang suicide note.

 

Show comments