Nurse nagbigti sa ospital

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 59-anyos na nursing attendant matapos itong magbigti sa bakanteng silid sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Anastacio Tabanao, stay-in nursing attendant sa nabanggit na hospital at nakatira sa Balabagon Moalboal, Cebu.

Sa ulat ng police regio­nal office (PRO) 7, bandang alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ng kanyang co-worker na si Arnold Faunillan ang biktima na nakabitin sa bakanteng silid.

Napag-alamang papasok sana sa palikuran si Faunillan nang mamataan nito ang biktimang nakabitin gamit ang electrical cord  sa nasabing kuwarto.

Ayon kay SPO1 Ruth Violango, narekober ang hand written note ni Tabanao sa paboritong pamangking si Riza “Ritchil” Saranillo, 28, kung saan nakasaad ang mga katagang “Rela lang, no problem, nariyan ang ATM ko sa bulsa ng puting uniporme pati ang pin number.”

Isa pang note ng biktima ang narekober kung saan nakassad ang katagang “I very sorry my good friends! St. Peter.”

Si Saranillo ay guro sa pampublikong paaralan sa Barangay Punta Princesa

Nabatid na maysakit na hypertension at diabetes ang biktima na pinaniniwalaang isa sa motibo kaya nagdesisyong mag-suicide.

 

Show comments