Rookie cop kritikal sa tandem

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang bagitong pulis matapos na pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen habang abala sa pagsasagawa ng security operation  sa kanilang himpilan sa Barangay Tibugon sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte kahapon ng umaga. Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan kung saan  naisugod sa Saint Petre Hospital sa Calauag, Quezon ang biktimang si P01 Michael Cabato ng PNP-Highway  Patrol Group (HPG).  Sa ulat P/Supt. Renato Bataller na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa bisinidad ng binabantayang himpilan ng biktima dakong alas- 8:30 ng umaga.

Show comments