Bike vs. bike: 3 uta

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay San Luis sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga nasawi ay sina Michael Busa, 24; Aprille Dianne Alava, 20; at si Johnny Hidalgo, 21, ng Barangay Tucal sa nasabing bayan. Kritikal naman sa Veteran’s Regional Hospital sina Arnel Hidalgo, 20; at Edward Natoc, 22, kapwa nakatira sa Purok 3 sa Barangay Tucal. Napag-alaman sumalpok ang motorsiklo ni Busa na kaangkas ang misis na si Alava sa motorsiklo ni Johnny na kaangkas naman sina Natoc at Arnel. Lumilitaw na pauwi na sana si Busa matapos sunduin sa trabaho ang kanyang buntis na misis na si Alava nang maganap ang aksidente.

Show comments