2 sumuko sa masaker ng pamilya

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Sumuko na sa pulisya ang dalawang pangunahing suspek sa pagmasaker ng mag-asawa at dalawa nitong anak sa Brgy. Mabuno sa bayan ng Gattaran, Cagayan noong Linggo ng gabi (Dec 2). Kinilala ni P/Chief Insp. Wilhelmino Zaldivar, hepe ng pulisya ng Gattaran, ang mga nagsipagsukong suspek na sina Virgilio Martinez, 52; at Edwin Ventura, 50, na kapwa magsasaka at kabarangay din ng mga biktima.Umamin ang dalawang suspek sa pagpatay sa mag-asawang Danny Baguiwang, 40; at Reymalyn Baguiwang, 33; mga anak na sina Reydan, 5; at Reymond, 1. Ayon sa mga suspek, si Danny lamang ang talagang pakay nilang patayin subalit napilitang idamay ang asawa’t mga anak nito dahil nakilala ang kanilang pagkatao. Inakusahan ng mga suspek si Danny sa malimit nitong pagnanakaw ng kanilang alagang hayop.

Show comments