Ex-chief tanod nilikida

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napatay ang dating chief tanod matapos itong ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Sta. Ana sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Federico Bautista kung saan ang pamamaslang ay kasunod din ng pananambang sa dalawa-katao sa bayan ng Sarrat noong Biyernes. Ayon kay Chairman Mark Del Castillo ng Barangay Sta. Ana, katatapos lamang manood ng Basketball tournament ang biktima nang makasalubong si kamatayan. Matatandaan na unang tinambangan sa bayan ng Sarrat sina Rex Belmonte na nasawi habang kritikal naman si Michael Estor noong Biyernes.

Show comments