3 gasoline boy dinedo ng tandem

NUEVA ECIJA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlong gasoline boy matapos itong pagbabarilin ng motorcyle-riding gunmen sa gasolinahan sa kahabaan ng Pinagpanaan-Rizal Road, Barangay Del Pilar sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Joseph Ulep, 24; Jun Jun Ulep, 25, kapwa nakatira sa Barangay Poblacion West at si Raymart Apalia, 20, ng Barangay San Agustin, San Jose City.

Lumilitaw na naka-duty ang mga biktima sa gasolinahang pag-aari ni Gerrick Eugenio ng San Jose City nang lapitan at ratratin.

 Nang marinig ni Eugenio ang sunud-sunod na putok sa labas ng kanyang gasolinahan ay nakipagba­rilan na rin ito sa gunmen su­balit mabilis na nakatakas.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na noong Oktubre 29 ay hinoldap na ang gasolinahan ni Eugenio kung saan nakatanggap ng text messages ng pagbabanta ang nasawing biktima na si Joseph Ulep na nagsasabing “May gamit naman diyan bakit ‘di-kayo nakaporma” at “papatayin ko kayong lahat.”

Show comments