Magkaibigan inambush, 1 utas

TUGUEGARAO CITY, Philippines– Isa ang nasawi  samantalang isa naman ang grabeng nasugatan matapos ratratin ang mga ito ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng national highway sa  Brgy. 20, Sarrat, Ilocos Norte kahapon ng madaling araw

Kinilala ni Supt. Jessie Gorospe, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Office ang namatay na si Rex Belmonte samantalang grabe naman ang kondisyon ng kaibigan nitong si Mark Anthony Estor; pawang ng Solsona, Ilocos Norte.

Lumalabas sa imbestigasyon na magka-angkas ang dalawa sa motorsiklo galing sa Laoag city ng tambangan ang  mga ito ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa nasa­bing lugar.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng cal .45 at cal 9 MM.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen.

 

Show comments