^

Probinsiya

2 sundalo todas sa NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang iniulat na napatay habang apat naman ang nasugatan kabilang ang isang sibilyan makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA ang detachment ng militar na nagsasagawa ng peace and development program sa Barangay Antipolo sa bayan ng Albuera, Leyte noong Huwebes ng gabi.

Gayon pa man, pansamantalang hindi tinukoy ang pangalan ng dalawang sundalo dahil kailangan pang impormahan ang pamilya ng mga ito.

Kabilang naman sa mga nasugatan ay ang tatlong sundalo at ang sibilyang si Edgar Boringa.

Sa ulat ni Col.Rafael Valencia, commander ng Army’s 802th Infantry Brigade, pinaputukan ng mga rebelde ang base ng Alpha Company ng Army’s 78th Infantry Battalion kung saan napatay ang dalawang sundalo at sugatan naman ng tatlong iba pa.

Ang nasabing tropa ng mga sundalo ay nanga­ngasiwa sa seguridad ng mga miyembro ng Bayanihan Team ng Army’s 19th Infantry Battalion na nagsasagawa ng peace and development program sa Barangay Rubas, Jaro.

Magugunita na noong Nob­yembre 30, 2012 ay isang sundalo ang nasawi at da­lawa pa ang nasugatan mula sa mga elemento ng Army’s 78th Infantry Battalion ng tambangan ng mga rebelde sa Barangay San Pedro, Albuera, Leyte.

ALBUERA

ALPHA COMPANY

BARANGAY ANTIPOLO

BARANGAY RUBAS

BARANGAY SAN PEDRO

BAYANIHAN TEAM

EDGAR BORINGA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with